Pag-aayunong Mensahe 2013

 

Minamahal naming mananampalataya!


Bispevåpen Bernt EidsvigHindi pa nalalaunang ipinagdiwang natin ang Pasko ng kapanganakan ng Panginoon. Sa Miyerkules ng Abo – Ash Wednesday, nagsisimula ang isang bagong panahon sa kalendaryo ng simbahan.

Sa Pasko, ipinamamalas ng Panginoon sa atin, kung gaano ang pagnanais Niyang mamuhay sa piling nating mga tao.Nang isilang si Kristo, tayo ay nagkaroon ng bagong ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng ating katauhan. –at ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagtuturo sa atin kung anong ibig sabihin ng pagiging totoong tao.Ito ay nangangahulugan na ang pisikal na pag-aayuno ay maaari ding maging paraang maglapit/mag-ugnay sa Kanya, na nagpakita sa katauhan ni Hesu-Kristo. Samakatuwid ang katawan ng tao ay hindi bale-wala sa ating relasyon sa Diyos, at mula sa Ebanghelyo, nalaman nating si Kristo mismo ay nag-ayuno. Ngunit paano kayang ang pisikal na pag-aayuno ay maglapit sa atin sa Diyos?

Pagnanasa sa Diyos ay natural sa bawat puso ng tao, dahil ang tao ay nilikha sa imahe ng Diyos at pagkakahawig Niya. Kaya sinabi ni San Augustin sa Diyos, " Nilikha mo kami
para sa iyong sarili, at ang aming puso ay balisa hanggat di nahihimlay sa Iyo”..Ang ating natural na pananabik sa Diyos ay nagpapatotoo, na tayo na mga tao, kailan ma’y hindi masisiyahan sa kung ano ang mayroon tayo - lagi nating nais ay mas mahusay, bagay na mas malaki, bagay na mas mabilis: mas mabilis na computer, magandang kotse, mas matipunong pangangatawan, mas magandang bahay. Ang mithiing makamit ang mga ito ay kadalasang naglalayo/nagtataboy sa ating natural na pananabik sa Panginoon;ngunit panandaliang kaligayahan at kasiyahan ay hindi kailanman magbibigay sa atin ng kapayapaan at tunay na kaligayahan na ating inaasam.Ito ay ipinagkakaloob lamang kapag ang ating mga puso ay maaari ng magpahinga sa Diyos.

Pangkatawang pag-aayuno ay nagpapa-ala-ala sa atin ng ating pagkatao at ng ating dependensya sa biyaya/grasya ng Diyos. Sa pamamagitan ng katawang pag-aayuno, lumilikha tayo ng puwang/lugar para sa Diyos sa ating buhay. Kapag ang Diyos ay sumasa-atin, buksan/palawigin din ang ating puso sa ibang tao, kung saan naroon ang Diyos , yan ang tunay na makatao - ang pag-ibig sa kapwa tao. Ito ay ang pag-ibig ni Jesus na namalas sa krus ng ibigay Niya ang Kanyang buhay para sa atin.

Kung anong uri ng pisikal na pag-aayuno ang piliin natin ay maaaring magka-iba-iba. Iminumungkahi ko sa lahat na magpasyang pumili ng isang bagay na kongkreto at maisa-sagawa. Tungkol sa tiyan na minsan ay kumukulo, ito ay paala-ala sa inyong ipanalangin at bigyan ng limos ang mga malaon ng dumaranas ng pagka-gutom/kagutuman. Pinalawak/pinaalab na ng pag-aayuno ang iyong puso. Mayroon ba kayong isang mamahaling pinagkaugalian, maaari mo bang bawasan ng kaunti , o hindi kaya’y ipamahagi ito sa iba sa panahon ng Kuwaresma. Sa ganoong pamamaraan maaari mong ibahagi sa kapwa ang iyong yaman. Ipinapayo ko lagi ang pagbibigay tulong sa taunang Pangkuwaresmang Kampanya ng Caritas.

Ngunit ‘yong mga nag-aabuloy ng pera ay kaunti lang ang ibinibigay. Pagbibigay tungkol sa mas higit pa kaysa sa pera - walang napakahirap na di kayang magbigay ng anuman.. Maaari mong ibahagi ang higit pa ng iyong oras/panahon sa iba. Karamihan sa atin ay may nakaw na oras sa pang-araw-araw na buhay, labis na panonood ng telebisyon, paggamit ng Internet o marahil pagsasanay. Paano kung isara ang TV, upang tawagan ang isang taong kakilala mo na nag-iisa? Kung hindi mag-check ng e-mail sa gabi, sa halip ipanalangin/isa-isip ang iyong mga mahal sa buhay? O hayaan ang smart mobilephone na hindi gamitin hanggang sa paglabas mo ng pinto sa umaga, sa gayon ay maaari kang makapahinga at mag-alay ng
kaunting panalangin? Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating oras, lumikha tayo ng panahon at lugar upang matamo ang Diyos.

Ang ingay ng mundo sa isang banda ay balakid/hadlang sa malusog at malalim na pag-mumuni-muni/pagninilay-nilay ng tao. Demonen "Tommeskrue" i C.S. Lewis-klassikeren "Djevelen dypper pennen» nagsasabing ingay gaya ng demonyo >> kaisa-isang tagapagtanggol laban sa hangal na pag-aalangan/pagdududa; laban sa mga uslak na budhing mapang-uyam, na lumilikha ng kawalan ng pag-asa at nang imposibleng pangangailangan.>>

Hindi lahat ay nagtataglay ng yaman/rangya, na maaari silang humanap ng isang tahimik na lugar, ngunit ipinapayo ko sa maaaring gumawa nito, na subukan.

Hayaan nating itong Kuwaresma, ay sanayin tayo sa pagiging naroon. Maaari tayong lahat mapabuti sa tunay na presensya - sa Diyos, sa iba,at sa ating mga sariling buhay.

Hangad ko sa iyong lahat ay pinagpalang pag-aayuno!

signatur.gif